Kusina ni Ella

lutuan, kainan, kwentuhan at kung anu-ano pa

Hot pan de sal

pan de sal 2

Ang sarap ng mainit na pan de sal umaga. Pahiran lang ng konting Dari Creme o Star Margarine sabay sawsaw sa mainit na kape, almusal na. Yup, we can rightfully claim this soft smallish bread as very Pinoy.

Kaya lang halata kung ano ang breakfast mo pagdating mo sa opisina. Kasi kung hindi mo napansin, tadtad ng mumu ng bread crumbs and damit mo hehe.

But hey, pan de sal is not pan de sal kapag makinis ito at mukhang ulong kalbo. It’s not the same. Nakakalungkot kainin kapag hindi ka nagpagpag ng bread crumbs bago mo punitin ang tinapay at palamanan ng kung ano-ano.

Take note, I said punitin. You do not, as in don’t even dare, na gumamit ng bread knife para hiwain ang tinapay na ito. In my book, (my pan de sal book), that is considered blasphemy.

Noong araw daw, sabi ni Tatay, iisa lang ang size ng pan de sal. Nagkakatalo lang sa kapal ng bread crumbs sa ibabaw. At pare-pareho ang lambot nito, as in parang hangin lang ang laman.

Tandang-tanda ko pa (dahil bata pa ako eh masiba na ako), lalo na kapag hotdog ang palaman, dalawang pan de sal ang gagamitin ko. Pinipipi ko ang dalawang tinapay sabay iipitin ko ang hotdog na hinati sa dalawa (dahil masyadong mahaba… o kasi konti lang ang hotdog namin…hmmm).

This bread is the most versatile of all breads sa tingin ko. Bagay sa kanya ang ano mang palamang maisipan mo. My peyborit of all time, sardinas na pinigaan ng kalamansi at tinimplahan ng konting toyo.

Durugin ang nasabing delatang isda, ipahid sa pan de sal, voila! Langit! Wait, uulitin ko. Kailangang gutay-gutay ang sardinas, ha. Hindi masarap kapag buo. Ang matamis na bao naman o latik ay hindi kaakit-akit kung loaf bread ang gagamitin natin. Di bale na lang. Iuulam ko na lang sa mainit na kanin ‘yung latik, masaya pa ‘ko.

And have you tried condensed milk? Kung hindi pa, oy, you missed half of your life. Eto pa ang isa, itlog na maalat. I know it sounds yucky but you should give it a try.

Ginagamit ko rin siya sa mga baking recipes na kailangan ng hinimay-himay na tinapay. Would you believe I can whip up a mean “food for the gods” with day-old pan de sal? I swear it tastes a lot better. At syempre mas masarap ang pan de sal pudding kesa loaf bread pudding. Brown is beautiful (maputla ang tasty eh).

At ang poor man’s pizza? Yum. Hatiin sa dalawa ang pan de sal (na medyo malaki). Here we are allowed to use a knife hehe. Spread pizza sauce (meron ang Del Monte nito in small pouches), sprinkle grated cheese, add any kind of topping you want, pop in an oven toaster, voila ulit! Mini pizzas.

Ngayon, iba’t ibang klaseng pan de sal na ang lumitaw. Merong malalaki at kasintigas ng bato (Pugon de Manila), malalaki ulit pero magaan at hangin ang laman (Pan de Manila), at meron pang croissant na nagpapanggap na pan de sal.

Kwidaw, limang piso ang malalaking tinapay na ito. Pero of course, wala pa ring tatalo sa pan de sal sa kanto. At huwag kalimutan, there is always the word “HOT” before pan de sal. That’s where the perfect goodness of the tinapay lies.

November 14, 2009 - Posted by | comfort food | ,

3 Comments »

  1. Nung bata pako tuwing pagka-uwi ko mula sa school, sorbetes ang pinapalaman ko sa Pan de sal. As in, yung dirty ice cream na nilalako ng mga manong sa kalye. Ansarap nun!

    Minsan naman yung Milo at gatas na powder pa. Na-try ko rin ang spaghetti or pansit na pinalaman sa Pan de Sal. Or kapag pizza style, Chiz Whiz at ketchup tapos ito-toast! Yummy… =)

    Comment by Tech Fatale | January 21, 2010 | Reply

    • so she is only preparing a sanwhich pala, kala ko ipakita niya pano pag gawa ng pandelsa at maginga panadera na si mam…interesting parin…job well done..

      Comment by willy nacar | December 23, 2012 | Reply

  2. Kami naman sa natirang menudo, asado at dinuguan, pwedeng ipalaman o pirasuhin ang pandesal at isawsaw sa konting sabaw….hay unahan pa kami ng pamangkin ko. sarap

    Comment by Cel | March 21, 2013 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: