Kusina ni Ella

lutuan, kainan, kwentuhan at kung anu-ano pa

Ginataang hipon

ginataang hipon

Sa mundo ng mga ginataang ulam, mas gusto ko ang ginataang laman-dagat. Parang mas bagay sa kanila ang gata. Imagine alimango o isda na ginataan at maanghang-anghang. Langit! May coconut trees kaya sa heaven? Sana.

Eniweys, if you have read my slumbook, makikita ‘nyong ang peyborit of all peyborit food ko ay hipon. Akshuli, pangarap kong magkaroon ng sariling shrimp farm. Ako lang ang kakain ng mga aning hipon hehe.  Shet, hindi kaya ako galisin?

Eniweys ulit, may malaking seafood restaurant na malapit sa bahay namin. Nakita ko, one day, na buhay pa ang mga hipon na dine-deliver sa restaurant tuwing umaga. As in tumatalon pa. The last time na nakakita ako ng pumipitik na buhay na hipon ay sa palengke pa ng Daet sa Bicol.

Kinausap ko ang mamang nagde-deliver at nag-order ako ng isang kilo sa next delivery nila. Medyo mahal siya but it was totally worth it. Ibang-iba talaga ang lasa ng sariwang hipon. Masyado akong natuwa, nagpa-deliver pa ulit ako for the next two days. Isang linggong puro hipon ang ulam namin hehe.

We will need:

1/2 kilo medium sized shrimps (suwahe), cleaned and the antennae removed

4-5 cups kalabasa, cut into 2 inches square

2-3 cups sitaw (1 bunch)  cut 2 inches  long

4 cups pure gata

2 tbsps bottled  cooked bagoong

1 tbsp ginger minced

5 cloves garlic minced

1 medium onion chopped

2 pcs siling pansigang

patis to taste

saute

In 1 tbsp oil, saute garlic, onion, ginger and siling mahaba. When onion is wilted, add bagoong and stir to blend. Add the kalabasa and 1/2 cup water. Cover and let simmer for 2 minutes.

sitaw

Add the sitaw

simmer2

Add 2 cups pure coconut cream and continue stirring until the gata simmers. Cover and cook in low heat  until the veggies are almost done.

Add the shrimps and 1 cup coconut cream. Continue stirring until the shells turn red. Adjust taste by adding patis or more bagoong and cook about half a minute more. Do not overcook the shrimps.

ginataang hipon

Pour the last cup of pure coconut cream over the dish before serving.

Enjoy, guys! Ang sarap nito, pramis.

August 11, 2009 - Posted by | Ginataan dishes |

12 Comments »

  1. kahit hindi ginataan, kahit simpleng halabos lang parang hindi ako nabubusog kapag yun ang ulam. sabay sawsaw sa sukang may bawang at paminta with matching ice cold coke. heaven. lalo kapag nakita mong isinasalang siya sa kawali na tumatalon pa. although medyo naaawa ako sa kanila. parang inquisition, burned alive.

    Comment by a.r.d.y.e.y. | August 11, 2009 | Reply

    • Haha parang mga mangkukulam na seafood ha LOLz😆 Naku pareho tayo, RJ, wala akong kasawaan sa hipon, kahit na anong luto.

      Comment by ella | August 21, 2009 | Reply

  2. Hindi ako mahilig sa ginataang ulam pero mukha itong masarap! di ako magdadalawang isip tikman to!

    Comment by jetty | August 11, 2009 | Reply

    • Naku lalo na kapag maanghang-anghang, sarap talaga.

      Comment by ella | August 21, 2009 | Reply

  3. mahusay magluto nito ang asawa ko!

    Comment by katrina | August 12, 2009 | Reply

    • Oist ang swerte mo naman Kat! Asawang nagluluto. *sobrang inggit*😥

      Comment by ella | August 21, 2009 | Reply

  4. salamat sa recipe na ito ms. ella. sinubukan kong iluto for our supper nitong gabi at masarap daw sabi ng kasama ko dito sa bahay,aheheh! more recipes to come ms. ella!

    Comment by jane | August 12, 2009 | Reply

    • Hi Jane, nung niluto ko ‘yan halos hindi na nga ako natirhan hehe Grabe si Tatay takaw sa ginataang gulay🙄

      Comment by ella | August 21, 2009 | Reply

  5. Masarap talaga ‘yan. All time fav ng asawa ko ‘yan. Kaya lang, iba talaga kapag sariwa ang hipon. Pwede ding alimango ang ilagay!

    Comment by emily | August 12, 2009 | Reply

    • Naku Emily, kung alimango ang isasahog ko, baka hindi na tigilan ni ama haha

      Comment by ella | August 21, 2009 | Reply

  6. Wow! This can be one particular of the most beneficial blogs We have ever arrive across on this subject. Actually Great. I am also an expert in this topic so I can understand your effort.

    Comment by magicofmakingupreview | August 25, 2011 | Reply

  7. I do agree with all of the ideas you have presented in your post. They are very convincing and will definitely work. Still, the posts are very short for starters. Could you please extend them a bit from next time? Thanks for the post.

    Comment by Noella Averitt | October 5, 2011 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: