Kusina ni Ella

lutuan, kainan, kwentuhan at kung anu-ano pa

On siling pansigang

siling pansigang

siling pansigang

True-blooded Bicolano si ama so you can imagine kung gaano karaming sili ang dumaan sa bibig ko at pumasok sa tiyan ko. As in staple na sa mesa namin ‘yan na parang kanin hehe. Mahalaga sa kusina ko ang mga sili.

Ang favorite ko sa lahat ng sili ay ‘yung berdeng mahaba na ginagamit sa sinigang, binagoongan, curry at halos lahat ng ulam na may gata.   Would you believe minemeryenda ‘to ni tatay noong araw? Isasawsaw lang sa patis sabay nguya. Hindi na niya magawa ngayon ‘yon kasi sumasakit na ang pwet niya. Duh?🙄

Kung pwede lang eh ilahok ko na rin siya sa lahat ng ulam namin, pero syempre hindi noh. I tried to find out kung anong pepper variety siya, ‘yung eksaktong pangalan niya, pero nabigo ako. Kung may nakakaalam po sa inyo, paki-share lang dito sa kusina natin please.

All I know is kapamilya siya ng cayenne peppers, genus Capsicum, species C. annuum.

Some Pinoy cooking blogs call them finger chillies or  green chillies pero wala po akong makitang finger chillies  kahit  saan. There’s no such pepper plant (as far as I was able to find out) at sandamakmak na klase naman ang green chillies.

Jalapeño pepper, popular in world cuisines,  is named after the town of Xalapa in Veracruz,  Mexico. Likewise, the very hot Habaneros ay halaw ang pangalan sa La Habana, Cuba. At ang chipotle, na usong-uso sa Cali when I was there, are usually Jalapeños or any pepper fully ripened, then smoked. There is a specific name for each variety of  sili because it came from a particular plant or  place of origin.

Nabasa ko minsan sa Guiness Book of World Records ang Philippine siling labuyo as  the hottest pepper in the world.  But alas, Guiness Book did not call our sili any other name. It was clearly printed on the page “siling labuyo”. I suppose Pinoy cooks shouldn’t either.

I’ts kind of frustrating to read some local cook/bloggers calling one variety of sili any name they fancy based on the pepper’s color and shape. Wala ba siyang pangalan talaga? I know it’s being annoyingly makulit of me but GMD please. (I-Google Mo, Dude).

Puwede ring ako ang hindi marunong mag-research. If that’s the case, sorry po, my bad.

Mabuti pa ang maliit na siling labuyo, may sariling pangalan. We should also give this long green finger shaped pepper its own name instead of referring to it as “siling pang-sigang”,  Kawawa naman siya. Puwede na siguro ang ‘SIGANGERO”  :lol:  Or SIGAÑERO para mas ethnic ang dating hehe 👿

Next post: Cooking Bicol Express, the Bicolana way

July 11, 2009 - Posted by | Hot!Hot!Hot! |

9 Comments »

  1. hi ella! Since I’ve been a burpee customer, where I ordered plants unavailable in our local nursery, I suggest to search it here http://www.burpee.com/(keyword: pepper) The picture really looks cayenne pepper, matched it with the site’s pictures then decide. heheheh bigyan kita trabaho.

    Comment by maxi | July 12, 2009 | Reply

    • Hello Maxi,

      I checked it out. Mukhang sa cayenne nga tayo mapupunta ah. Kamukhang-kamukha eh no? Do you plant your own pepper?

      Comment by ella | July 13, 2009 | Reply

      • yup I do! Wala kasi akong ibang diversion sa boredom ko, I only work 3 days a week, the rest wala na pwera lang going to the gym. I have variety of plants in my backyard, couple variety of tomatoes(plums, cherry, big boy etc..) and couple of peppers . My personal favorite is habaneros — it has the best kick!

        Comment by maxi | July 14, 2009 | Reply

  2. wow at may kusina ka na ngayon ella dear…ahihi
    ang galing mo talaga.. ^_^

    Comment by IKAY | July 12, 2009 | Reply

    • Ikay, dear,

      Very intensive ang aking pag-aaral magluto lately. You’ll know why sa next post ko sa ellaganda hehe😉

      Comment by ella | July 13, 2009 | Reply

  3. Hi Ella,
    sa cebu we call it sili espada. I dont know why but yeah we call it by that name. Its one of my fave chillies as well. love it with dinuguan=) yum!

    Comment by Farah sia | July 13, 2009 | Reply

    • Ei Farah sia,

      Kahapon bumili ulit ako ng sili sa supermarket. Sabi sa balot, chilli picante. Hanap na naman ako ng pektyur ng picante sa google. Hindi naman kamukha eh waaaah!
      Pero ang cute ng tawag sa inyo hehe bagay siya.

      Hay naku, pareho tayo, sarap talaga sa dinuguan, yum din🙂

      Comment by ella | July 13, 2009 | Reply

  4. i tried to look it up and it says here…”new mexican” daw… hmn…

    http://www.pepperschlepper.com/school.htm

    Comment by Des | July 23, 2009 | Reply

    • Uy Des Miss kita, girlfriend! Ang tagal mong naglaho ah. Know what naisip ko nga kailan lang kung nakita mo na ‘tong kusina ko, tapos biglang may comment ka na yeeey!🙂

      Kamukha nga ng siling mahaba natin yang new Mexican ah. Pati ‘yung pagkakabaluktot no?

      Comment by ella | July 28, 2009 | Reply


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: