Kusina ni Ella

lutuan, kainan, kwentuhan at kung anu-ano pa

Ditzy Diner

Alam ‘nyo ba ‘yung kasabihang hindi ka makakain ng maayos kapag ikaw ang cook? Eh kasi alam mo na how the meal was prepared.  Ikaw na nga ang namili ng mga sangkap, tapos matitikman mo na, naaamoy mo pa. Wala nang misteryo.  Wala  ‘yung  tanong na “hmmm…masarap kaya ito?”

Ako ang designated cook lagi sa bahay kaya I love eating out. Mahiwaga  sa akin ang luto ng iba kahit restawran lang  siya.

Merong isang mahiwagang kainan na matagal ko nang gustong pasukin kasi may “diner” ang pangalan niya.  Kapag may “diner”, nostalgic ang epek sa akin.  Sa Rosie’s Diner kasi lagi ang birthday treat sa akin ni Fafa noon. I get to seat on the “big people” stools to eat apple pie with lotsa cream on top and slurp away on my milk shake.

Sa wakas, after countless times ko siyang dinaanan at lihim na hinangad, nakakain din ako sa Ditzy Diner sa E. Rodriguez Ave. Tama lang ang prices ng food niya and our choices from the menu were surprisingly good.

If you’re really hungry, at nasa Q.C. o New Manila kayo, dito na kayo kumain. Their burger is huge (pang-dalawang tao, akshuli) and quite tasty. Wala nga lang silang apple pie and I won’t recommend their shakes. Get the floats instead.

inside ditzy 2
Diner-ish naman ang dating niya sa loob. Medyo kulang lang sa ’50s decor although may bar stools naman sila.

menu cover 2
Bumawi na lang  sa cover ng menu hehe

menu 4

These are good prices for filling meals

menu pasta

Ok din ang prices na ito for pasta dishes

burger 2

The burger is humongous, sobrang nakakabusog. Pero masarap siya, pramis. P175

fish in pesto 2

I highly recommend this sandwch. Grilled fish marinated in pesto. P130 lang yata ito.

fish and chips 2

Isa pang masarap, fish and chips. The aoili sauce (Mediterranean garlic sauce)  was perfect.

onion rings 2

The biggest onion rings I’ve ever eaten. Saan kaya nila kinukuha ang ganito kalalaking sibuyas?

pasta 2

This is the chicken and pasta version of the fish-in-pesto sauce. Natuwa ang taste buds ko sa interesting taste niya.

Nagiging bar and kainang ito sa gabi with a live band. Ditzy Diner is all about good food and wholesome fun.

July 10, 2009 - Posted by | Dining out | ,

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: