Kusina ni Ella

lutuan, kainan, kwentuhan at kung anu-ano pa

Burrito, ang aking paborito

Na-publish ko na ito sa Blog ni Ella pero naka-private na ang post na ito. Dito ko na lang ilalabas ulit.

The complete meal of the Mehikanos – the good old mouth watering, makasunog-dilang burrito! This is not the recipe for an authentic Mexican burrito kasi problema ang availability ng ingredients like cilantro na sabi ng tatay ko eh panligo daw pag may tigdas. (eh putsa, kulantro pala yon). At ayoko rin kasi ng amoy ng cilantro.

Ingredients:
kalahating kilong giniling na baka (lean)
sandamakmak na sibuyas, sandamukal na kamatis
green bell pepper
tomato sauce
hot sauce
cooked rice
3 sachets of burrito seasoning and/or taco seasoning (powdered )
sour cream
iceberg lettuce shredded
roughly grated cheddar cheese
tortilla

Three parts ang pagluluto nito. Mexican rice, the meat and tomato salsa:

Burrito meat

brown beef
Brown ground beef in a skillet, remove oil, add one sachet burrito seasoning, add 1/2 C water, season with salt and pepper. Set aside when done.

Tomato salsa

tomato salsa

salsa
Chop onions, tomatoes and bell pepper. Saute in 1 tbsp oil, add 1 cup tomato sauce, 1 cup water, dash of hot sauce, 1 sachet taco seasoning. Simmer until soft. Set aside.

Mexican rice

rice
Prepare 2 small bowls of cooked rice

burrito rice
Chop 2 onions, saute in oil, add one cup tomato sauce, 1 packet burrito or taco seasoning, 1/2 cup water. Simmer for 2 minutes, then add rice. Season with salt, mix thoroughly and cook for another 2 minutes. Set aside.

taco seasoning
powdered burrito and taco seasoning

tortillla
Tortilla – nabibili sa inyong suking sosyal na supermarket like Cash and Carry, Rustan. Nestle sour cream

heat tortilla
Initin sandali ang tortilla sa heavy flat pan. Sandali lang ‘to kasi titigas ang tortilla and it’s just wrong to eat a crunchy burrito

Ang tamang pagbabalot ng tortillas

the works

step 1
Unahin ang mexican rice

step 2
Ipatong ang beef

step 3
Tapos ang tomato salsa

step 4
Ibudbod ang shredded lettuce

step 5
Isunod ang grated cheese

step 6
Lagyan ng sour cream

step 7 fold1
Itiklop muna sa ilalim ang tortilla para hindi magkandalaglag ang laman

step 8 fold the sides
I-fold ang dalawang gilid

finished burrito
Voila!! Burrito na! Hmmm…mahal ito sa Mexicali.

March 9, 2010 Posted by | Hot!Hot!Hot! | 4 Comments

Hot pan de sal

pan de sal 2

Ang sarap ng mainit na pan de sal umaga. Pahiran lang ng konting Dari Creme o Star Margarine sabay sawsaw sa mainit na kape, almusal na. Yup, we can rightfully claim this soft smallish bread as very Pinoy.

Kaya lang halata kung ano ang breakfast mo pagdating mo sa opisina. Kasi kung hindi mo napansin, tadtad ng mumu ng bread crumbs and damit mo hehe.

But hey, pan de sal is not pan de sal kapag makinis ito at mukhang ulong kalbo. It’s not the same. Nakakalungkot kainin kapag hindi ka nagpagpag ng bread crumbs bago mo punitin ang tinapay at palamanan ng kung ano-ano.

Take note, I said punitin. You do not, as in don’t even dare, na gumamit ng bread knife para hiwain ang tinapay na ito. In my book, (my pan de sal book), that is considered blasphemy.

Noong araw daw, sabi ni Tatay, iisa lang ang size ng pan de sal. Nagkakatalo lang sa kapal ng bread crumbs sa ibabaw. At pare-pareho ang lambot nito, as in parang hangin lang ang laman.

Tandang-tanda ko pa (dahil bata pa ako eh masiba na ako), lalo na kapag hotdog ang palaman, dalawang pan de sal ang gagamitin ko. Pinipipi ko ang dalawang tinapay sabay iipitin ko ang hotdog na hinati sa dalawa (dahil masyadong mahaba… o kasi konti lang ang hotdog namin…hmmm).

This bread is the most versatile of all breads sa tingin ko. Bagay sa kanya ang ano mang palamang maisipan mo. My peyborit of all time, sardinas na pinigaan ng kalamansi at tinimplahan ng konting toyo.

Durugin ang nasabing delatang isda, ipahid sa pan de sal, voila! Langit! Wait, uulitin ko. Kailangang gutay-gutay ang sardinas, ha. Hindi masarap kapag buo. Ang matamis na bao naman o latik ay hindi kaakit-akit kung loaf bread ang gagamitin natin. Di bale na lang. Iuulam ko na lang sa mainit na kanin ‘yung latik, masaya pa ‘ko.

And have you tried condensed milk? Kung hindi pa, oy, you missed half of your life. Eto pa ang isa, itlog na maalat. I know it sounds yucky but you should give it a try.

Continue reading

November 14, 2009 Posted by | comfort food | , | 3 Comments

Torta like my nanay used to make

torta

Torta that looks like pizza? Yummm…and you cut them like pizza, too.

Noong batang paslit pa lang ako, aliw na aliw ako sa triangle shaped piece of ulam na nilalagay ni Nanay sa plato ko. Awesome  sa akin ‘yon kasi hindi pa ako nakakakita ng pizza. Rich kids lang kasi ang may karapatang kumain ng pizza noon harhar😆

Naku ha, hindi joke ‘yon. Ang presyo ng isang malaking pizza noon eh pambili na namin ng ulam para sa isang linggo. Eniweys, it took me  a lot of trials and errors para makuha ang tamang technique para makabuo ng torta.

Hindi ko ma-perfect…without using dahon ng saging, that is.  I used to watch Nanay cook  a perfect torta. Sinasapinan niya ang egg mixture ng dahon ng saging kapag piniprito na sa kawali. Wala namang dahon ng saging sa supermarkets. Alangan namang manghingi ako ng dahon sa kapitbahay namin tuwing magluluto ako ng torta.

Heavy duty non-stick  pans will also do the trick.  Eh kaso mo kung wala tayo noon?  So, wala akong choice kundi perpekin ang plate-over-skillet flipping technique.

Mga kailangan natin:

1/4 K ground pork or beef, browned in pan

3-4 cloves garlic minced

1 medium onion, minced

1 red or green bell pepper, chopped

3 pieces medium sized potatoes, cubed and fried

2 cups frozen vegetables

1 cup raisins

2 cups cheddar cheese, cubed

8 large eggs

Continue reading

October 11, 2009 Posted by | Pretty looking ulam | , | 2 Comments